Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) matapos mabuhay muli ang sakit na polio sa bansa.
Ayon kay Health Usec Eric Domingo, isa sa mga tinitingnang dahilan kung bakit bumabalik ang polio ay ang maruming paligid kabilang na ang mga palikuran sa kani-kaniyang tirahan.
Sinabi ni Domingo na karagdagan pang 700K palikuran ang kinakailangang ipagawa nationwide hanggang 2030.
Nabatid na P2M mula sa 2020 proposed budget ang nakalaan para sa pagpapagawa ng mga palikuran.