Inihahanda na ng Philippine National Police ang kaso laban sa 2 sibilyan at 1 pulis na nahuli dahil sa illegal na pagpapaputok ng baril.
Ayon kay Chief Supt Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, bagamat hindi pa nadarakip ang 2 sa mga suspects ay nakilala na nila ang mga ito.
Bahagi anya ito ng iwas paputok ligtas paskuhan campaign ng PNP na sinimulan pa nila nuong December 16 at magtatapos sa January 6.
Kaugnay nito, sinabi ni Mayor na 6 na stray bullet incidents na rin ang kanilang naitala, 5 dito ay nasugatan dahil sa ligaw na bala samantalang ang isa pa ay isang sumbong na may tumamang bala sa kanilang bubungan.
“Alam na natin yung mga pangalan nila at magpa file tayo ng kaso, kilala na rin natin sila, yung 3 sa Leyte, 1 naman sa Dapitan at 1 pulis ito.”
Samantala, tiniyak ni Mayor na tuloy tuloy rin ang kanilang monitoring at pagkumpiska sa mga illegal na paputok lalong lalo na ang Piccolo.
Marami na rin anya silang na nakumpiskang illegal na paputok subalit sa kasalukuyan ay kinukuwenta pa kung magkano ang halaga ng mga ito.
“36 na yung operations nationwide na naitala natin, initiated operations by PNP at tuloy tuloy ito hanggang at least 31st. Marami pa rin ang mga pasaway,” paliwanag ni Mayor.
By: Len Aguirre I Ratsada Balita