Tatlong (3) sama ng panahon ang namataan malapit sa bansa.
Una, ang Low Pressure Area (LPA) na nabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon.
Huli itong namataan sa 140 kilometro hilagang silangan ng Hinatuan Surigao del Sur.
Dahil dito asahan na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Caraga at ang Davao.
May namataan ding bagyo sa dulong hilagang Luzon ngunit nasa labas pa ito ng bansa at kumikilos na papuntang Japan.
May isa pang LPA sa Dagat Pasipiko ngunit masyado pa itong malayo para makaapekto sa bansa.
Samantala malaki pa rin ang posibilidad ng thunderstorms sa Metro Manila ngayong araw.
Magiging maulap sa malaking bahagi ng Luzon at uulanin ang kanlurang bahagi nito kabilang na ang Baguio, Pangasinan, Metro Manila at Batangas.
Sa Visayas naman, asahan ang maulap na panahon sa Iloilo, Bacolod, Dumaguete at Leyte.
By Mariboy Ysibido