Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area o LPA na nasa PAR o Philippine Area of Responsibility.
Dahil na rin sa intertropical convergence zone o ITCZ, ang LPA ay nakakaapekto sa southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Samantala, patuloy ding minomonitor ng PAGASA ang dalawa pang weather disturbances.
Ang isang tropical storm na may international name na “Meari” ay huling namataan sa layong 1,520 kilometers silangan ng Luzon.
May lakas ito ng hanging aabot sa 65 kph at pagbugsong aabot sa 80 kph.
Binabantayan din ang isa pang tropical depression na nasa layong 2,080 km sa extreme northern Luzon at kumikilos pa-kanluran hilagang silangan sa bilis na 11 kph.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph at pagbugsong 70 kph.
By Jelbert Perdez