Kulong ang tatlong indibidwal na hinihinalang sangkot umano sa investment scam matapos ikasa ang Entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Zamboanga City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Francis Arthur Dalguntas, Rehan Tamorda, at Farha Sali na hinuli dahil sa pangloloko kung saan, nangako ang mga ito sa mga biktimang aplikante na ibabalik ang 15% hanggang 20% income sa kanilang ininvest na pera pero hindi umano ito nangyari.
Ayon sa mga bikitima, nakipagkasundo ang mga suspek na P20K na halaga ng mga produktong pampaganda ang kanilang makukuha kasama ng P100K na halaga ng insurance kapalit ng kanilang P10K na puhunan.
Hawak na ngayon ng mga otoridad ang mga suspek na nahaharap sa kasong may kaugnayan sa Securities Regulation Code. —sa panulat ni Angelica Doctolero