Naniniwala ang isang batikang election lawyer na hindi na dapat nag-inhibit sa kaso ni Senadora Grace Poe ang tatlong mahistrado ng Korte Suprema.
Ginawa ni Atty. Romulo Macalintal ang pahayag kasunod ng pag-i-inhibit nina Justices Antonio Carpio, Teresita de Castro, at Arturo Brion sa usapin na kumukuwestiyon sa hatol ng Senate Electoral Tribunal (SET) na unang nagdeklara na si Poe ay isang natural-born citizen at kuwalipikado bilang isang miyembro ng senado.
Sa panayam ng DWIZ, nilinaw naman ni Macalintal na magkaiba ang kaso ni Poe sa SET at sa Commission on Elections o COMELEC.
“Palagay ko dito sa COMELEC cases hindi sila mag-iinhibit kasi iba naman ang issues, hindi naman direktang natural-born or residency ang issue kundi nagsinungaling ba si Senador Grace Poe nang sinabi niya ang mga bagay na ito sa kanyang certificate of candidacy? At dito what is involve is the position of the president sa COMELEC, yung sa SET yung involved doon ay yung position niya as a sitting senator.” Pahayag ni Macalintal.
By Jelbert Perdez | Balitang Todong Lakas