Hinimok ng kampo ni Senadora Grace Poe ang 3 Supreme Court justices na mag-inhibit na rin sa lahat ng disqualification cases laban dito.
Ito ang iginiit ni Mayor Rex Gatchalian, tagapagsalita ni Poe, kasunod ng ginawang pag-inhibit nina Senior Associate Justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo de Castro at Arturo Brion sa oral argument sa nasabing isyu sa Enero 19.
Giit ni Gatchalian, hindi lang dapat sa pagtalakay sa mosyon laban sa ruling ng Senate Electoral Tribunal o SET mag-inhibit ang tatlong mahistrado kaugnay sa diskwalipikasyon bilang senador ni Poe.
Sinabi pa ng alkalde na ang citizenship issue laban kay Poe na ginamit na basehan sa kaso ni Rizalito David sa SET ay siya rin namang sentro ng mga kaso na pinaboran ng Commission on Elections o COMELEC.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)