Nag-inhibit ang 3 Associate Justices ng Korte Suprema sa pagtalakay sa mosyon laban sa ruling ng Senate Electoral Tribunal (SET) kaugnay sa diskwalipikasyon bilang senador ni Grace Poe.
Nakasaad sa inilabas na resolusyon ng Supreme Court na walang magiging partisipasyon sina Senior Associate Justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo de Castro at Arturo Brion sa isasagawang oral argument sa nasabing isyu sa Enero 19.
Matatandaang ang tatlong nabanggit na mahistrado ay pawang miyembro ng SET at bumoto pabor sa diskwalipikasyon ni Poe bilang senador.
Samantala, wala pang inilalabas na desisyon ang kataas-taasang hukuman patungkol sa hiling ng kampo ni Poe na mag-inhibit din ang 3 sa dalawa pang petisyon sa kaso ng senador.
Ito ay may kaugnayan naman sa ruling ng COMELEC na nagdi-disqualify kay Poe bilang presidential candidate.
By Meann Tanbio