Tatlong senador ang nagnanais na makuha ang chairmanship ng Senate Committee on Public Services.
Ito ang inihayag ni Senador Vicente “tito” Sotto III.
Ayon kay Sotto, kabilang sa mga interesado sa nabanggit na Committee Chairmanship sina incumbent Senators Grace Poe, JV Ejercito at Senator-elect Juan Miguel Zubiri.
Nabatid na si Poe ay kabilang sa 14 na Senador na pumirma sa resolusyon na sumusuporta kay Senador Koko Pimentel bilang Senate President sa pagpasok ng 17th Congress.
Habang sina Ejercito at Zubiri ay sumusuporta naman sa katunggali ni Pimentel sa Senate Presidency na si Senador Alan Peter Cayetano.
by: Meann Tanbio