Nakalabas na ng opistal ang tatlong sibilyan na nasugatan sa pagsabog sa ammunition depot ng Philippine Army sa loob ng Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan De Oro City.
Ayon kay 4th Infantry Division Public Affairs Office Chief Maj. Francisco Garello Jr., minor injuries lamang ang tinamo ng mga biktima kaya’t na-discharge agad ang mga ito mula sa Army Station Hospital sa loob ng kampo.
Sinabi ng opisyal na ang Ammunition Complex ng army ay hindi lamang imbakan ng mga bala at matataas na uri ng armas kundi dito rin inilalagay ang mga bala ng kanyon.
Tinataang 27 milyon pesos ang halaga ng mga napinsalang ari-arian sa naturang insidente. —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)