Tatlong sibilyan ang patay matapos na tamaan ng missile ang Jazan Province, Saudi Arabia.
Batay sa ulat, ang naturang pag atake ay inilunsad ng rebeldeng grupong Houthi mula sa Yemen.
Bahagi pa rin ang naturang pag – atake ng tatlong taong giyera sa pagitan ng Saudi Arabia at Yemen nang manghimasok ang Saudi Arabia sa pagbabalik kay Abd – Rabbu Mansour Hadi sa pagiging pangulo ng Yemen.
Handa naman ang Saudi forces na balikan at pagbayarin ang mga nasa likod ng pag – atake.