Idineklarang National Cultural Treasure ng National Commission for Culture and the Arts ang tatlong simbahan sa lalawigan ng Rizal.
Ang tatlong simbahan na ito ay ang Sta. Ursula Parish sa Binangonan; Diocesan Shrine and Parish of San Jose sa Baras, at ang St. Jerome Parish Church sa Morong.
Nagmula pa ang tatlong simbahan nuong panahon ng Espanyol.
Nabatid na iginagawad ang NCT sa mga istruktura sa Pilipinas na may pambihirang ambag sa kasaysayan; kultura at sining sa bansa. – Sa panulat ni Kat Gonzales