Tatlo ang sugatan habang 780 pamilya ang nawalan ng bahay matapos ang sunog sa Barangay Balingasa, Quezon City, kahapon.
Kinilala ang mga nasugatang sina John Robert Castillo, 20-anyos; Melbert Beltran, 35-anyos, kapwa residente sa naturang lugar at Charlie Gerais, 30-anyos na fire volunteer.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, pasado alas-11 ng umaga nang umakyat sa ikatlong alarma ang sunog bago maapula dakong alas-3 ng hapon.
Aabot sa 400 kabahayan ang naabo sa sunog na pinaniniwalaang nagmula sa poste ng kuryente.
Tinaya naman ng BFP 2.9-M ang halaga ng mga natupok o napinsalang ari-arian.