Sugatan ang tatlong indibidwal matapos pagsasaksakin ng nakainom na suspek sa barangay pamukid sa San Fernando, Camarines Sur.
Kinilala ang mga biktima na sina; Anabel justiania, 47-anyos; Gina Paradela, 42-anyos at Jenrick Paradela, 18-anyos.
Batay sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office, nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ang suspek na si Ariel Paradela, 49-anyos nang kausapin nito si Justiniana at Gina.
Pero nauwi ito sa pagtatalo dahilan para saksakin ni paradela ang mga biktima.
Tinangka pang umawat ni jenrick, pero siya ay sinaksak din.
Agad namang itinakbo sa ospital ang mga biktima.
Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa ihahaing kaso. – sa panukat ni Abby Malanday