Sugatan ang tatlong manood matapos isagawa ang iligal na drag racing sa Cagayan Province.
Viral ngayon ang isang video kung saan, dalawang sasakyan ang nagkarerahan pero nang magsimula ang karera ay dumiretso sa mga manonood ang isa sa dalawang sasakyan.
Dito na naararo ng isang sasakyan ang tatlong indibidwal saka bumangga sa isang truck.
Ayon kay PIO Cagayan Police Provincial Office, PCPT. Isabelita Gano, hindi umano drag race ang nakita sa nasabing video kundi sinubukan lamang umano ng mga residente kung gaano kabilis ang dalawang sasakyan.
Sa sesyon ng konseho, kinwestiyon ang isang pulis na nakita sa naturang video pero ayon sa PPO, Market Day sa lugar kaya nagpapatrolya ang mga pulis.
Paglilinaw ng pulis na nakita sa video, nagulat umano siya na may nagsisigawan sa lugar kaya siya lumapit.
Kinukuhanan na ng pahayag ng konseho ang Hepe ng Baggao Police at ng Traffic Management sa lugar.
Sa ngayon, nagpapagaling na sa pagamutan ang tatlong suspek na planong magsampa ng kaso. —sa panulat ni Angelica Doctolero