3 ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Pearl Harbor Base sa Hawaii.
Batay sa ulat, dalawa sa biktima ang kritikal ang kondisyon sa pamamaril ng isang lalaki sa Pearl Harbor Naval Shipyard sa Hawaii.
Nagbaril naman sa kaniyang sarili ang suspek matapos gawin ang insidente.
Dahil dito, agad nagpatupad ng lockdown sa naturang US base.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ang naturang insidente at pagkakilanlan ng suspek.