Tatlong sundalo ang patay habang 52 ang sugatan sa buong araw na bakbakan sa main battle area ng Marawi City na naganap kahapon, bisperas ng pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, bahagi ng matinding opensiba ng militar ang ikinasang operasyon kahapon na itinuturing na isa na sa pinakamadugong bakbakan sa Marawi.
Dahil dito, umakyat na sa 136 na sundalo ang napapatay sa higit 100-araw na pakikipaglaban sa mga terorista.
Una nang sinabi ng militar na ikinakasa na nila ang tinatawag na one big final battle sa Marawi para matapos na ang rebelyon sa lungsod.
Nakatakdang magbigay ng pulong balitaan tungkol dito ang Joint Task Force Marawi anumang oras ngayong araw.
By Jonathan Andal