Patay ang tatlong (3) sundalo sa loob ng tatlong araw na pakikipagbakbakan na ikinasawi din ng tinatayang nasa 20 militanteng Muslim sa Mindanao.
Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Brig. Gen. Restituto Padilla, nagsimula ang bakbakan nang may nasa 40 militante mula sa hindi pa natutukoy na grupo ang namaril sa isang kampo ng mga sundalo sa bayan ng Butig, Lanao del Sur noong Sabado.
Dinepensahan ng mga sundalo ang kanilang kampo sa paputol-putol at pasulpot-sulpot na pakikipag-bakbakan.
Ani Padilla, nagpadala na ang militar ng mga karagdagang tropa, bomber planes, helicopter gunships at artillery sa lugar.
Hinihinalang nagmula ang mga militante sa isang grupo na konektado sa isang Indonesian terrorist na napatay sa rehiyon noong 2012.
By Mariboy Ysibido