Sugatan ang 3 sundalo matapos ang engkuwentro sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom fighters sa Maguindanao
Ayon kay Major General Edmundo Pangilinan, Commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army alas 4 ng madaling araw nang magkasagupa ang tropa ng 34th Infantry Battalion at BIFF sa Sitio Lanas, Barangay Pamalian, Shariff Saydona sa bayan ng Mustapha
Sinasabing nagsasagawa ng clearing operations ang mga otoridad nang paputukan sila ng mga rebelde sa lugar
Ang mga rebelde ay mula sa grupo ng isang Commander Karalian, isa mga tagasunod ni BIFF Founder Umbra Kato
Na evacuate na sa Camp Siongco Station Hospital ang mga sundalong nasugatan sa naturang engkuwentro
By: Judith Larino