Sugatan ang tatlong (3) sundalo matapos makipagbakbakan sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army o NPA sa bayan ng Lakewood sa Zamboanga del Sur noong Biyernes, Disyembre 8.
Ayon kay Chief Superintendent Billy Beltran, hepe ng Zamboanga Peninsula Regional Office, tumagal ng tatlong oras ang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo ng 53rd Infantry Batallion at NPA.
Narekober din ng militar sa naganap na bakbakan ang medical at dental kits na naglalaman ng mga gamot; apat na rifle grenades; dalawang magazines ng M16 at AK47.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na siya interesado na ituloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF – CPP – NPA.
Ayon kay Pangulong Duterte, hangga’t mayroong pinapatay na mga sibilyan ang CPP – NPA, walang aasahan na usapang pang – kapayapaan.