Sugatan ang 3 sundalo matapos masabugan ng Anti-Personnel Mine (APM) sa Ampatuan Maguindanao.
Ayon kay Western Mindanao Command (WESTMINCOM) Chief Lt. General Corleto Vinluan, nagsasagawa ng combat clearing operations ang tropa mula sa 57th infantry battalion ng Philippine army nang mangyari ang insidente.
Kasalukuyan na aniyang ginagamot sa Camp Sionco Station Hospital ang mga nasugatang sundalo.
Sinabi ni Vinluan, bahagi ito ng desperadong gawain ng mga lokal na teroristang grupo para makakuha ng atensyon at suporta dahil sa humihina na ng puwersa ng mga ito.
Tiniyak naman ni Vinluan na kanila nang pinaigting pa ang mga ikinakasang security operations at patuloy na nabantay laban sa mga umuusbong na bansa sa pinapatrolya nilang lugar.