Dinala na sa Camp Evangelista Mortuary ng 4th Infantry Division sa Cagayan De Oro City, Misamis Oriental ang labi ng tatlong sundalong tinambangan ng mga miyembro ng New People’s Army o NPA.
Pebrero 1 nang tambangan sina Col. Pat Olango, 40 anyos; Col. Niño Christopher Talabor at Sgt. Owen Yee ng Bayanihan Group ng 8th Infantry Battalion sa Sitio Kaleb, Barangay Kibalabag, Malaybalay City, Bukidnon.
Nananawagan naman ng katarungan ang pamilya ng tatlong nasawing sundalo at binalaan ang NPA na mas malala ang sasapitin ng mga rebelde dahil sa pananambang na isang paglabag sa unilateral ceasefire na kalaunay binawi naman ng gobyerno at komunistang grupo.
Nakatakda namang iuwi sa kani-kanilang bahay ang labi ng tatlong kawal bago ilibing.
Samantala, kinondena ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang pag-atake na isang uri ng “overkill” dahil nagtamo ang mga biktima ng hindi bababa sa tig-20 tama ng bala at walang dalang armas nang maganap ang insidente.
By Drew Nacino