Nasamsam ng mga pulis ang abot sa P125, ,508 na halaga ng shabu sa tatlong dealers sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Central Mindanao.
Sa ulat ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, unang na-entrap ng mga operatiba ng Sultan Kudarat Municipal Police Station.
Sina Born Salik Mangacop, 40-anyos, at ang kasabwat na 55-anyos na babaeng si Koraima Maliga, na kilala sa pagbebenta ng shabu sa mga paligid ng mga paaralan.
Naresto ang mga suspek matapos makapagbenta ng P5,508 na halaga ng shabu sa mga tauhan ng pulis na nagpanggap na mga sugapa sa illegal na droga.
Kasunod nito, isang pa umanong dealer ng droga na kilala sa probinsya ng maguindanao del norte at maguindanao del sur na nagbebenta ng shabu sa mga estudyante,
Na kinilalang si Tokel Kadatuan, 31-anyos, ang nadakip ng mga pulis sa Barangay Poblacion 7 sa midsayap sa probinsya ng Cotabato .
Nasa kustodiya na ng mga pulis ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga