Iniharap ng National Bureau of Investigation o NBI sa media ang tatlong suspect na umano’y gumagawa at nagpapakalat ng mga pekeng pera.
Sa bisa ng search warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 50, agad na nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng counter-terrorism division ng NBI at Bangko Sentral ng Pilipinas sa LRC compound, Santa Mesa, Manila kung saan nasakote sina Richard Ansus, Anthony Cuatico, at Irmalynne Pablo.
Nahaharap ang tatlo sa mga paglabag sa Artcle 168 o Illegal Possession and use of False Treasury or Bank Notes and other Instruments of Credit at Article 176 o Manufacture and Possession of Instruments or Implements for Falsification ng revised penal code.
By Avee Devierte |With Report from Aya Yupangco