Inaresto ng mga otoridad sa Quezon City ang tatlong lalaki dahil sa pamemeke umano ng negative RT-PCR test na ibinebenta sa mga bibiyahe patungong probinsya.
Ayon sa report, isang pamilya sana ang pupunta sa Ilo-Ilo, ngunit nang i-scan ang dokumento na may logo ng Philippine Red Cross ay may ibang pangalan na lumabas.
Giit naman ng mga suspek na sina Bonifacio Bautista, Guild Cadilo, at Alberto Bautista na wala raw silang kinalaman sa naturang dokumento.
Samantala, nasa kulungan na ang mga suspek at patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring insidente. —sa panulat ni Airiam Sancho