Tatlo na ang hawak na suspects ng Philippine National Police sa pagtorture at pagpatay sa apat na pulis sa Negros Oriental.
Ang pagpatay sa mga pulis ay matatandaang naging ugat ng sunod sunod na patayan sa Negros kung saan ang mga biktima ay umabot na sa mahigit 20 katao.
Una nang inako ng New Peoples Army ang pagpatay sa apat na pulis na anila’y nagsilbing espiya sa mga police operations.