Negatibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) ang tatlong pinakahuling nakitaan ng sintomas sa mga repatriates mula sa Japan na ngayon ay naka-quarantine sa New Clark City.
Nauna nang nagnegatibo sa COVID-19 ang 10 repatriates na unang nakitaan ng sintomas tulad ng lagnat, ubo at sore throat.
Gayunman, ayon kay Health assistant secretary Maria Rosario Vergeire, nananatili ang 13 sa ospital hanggang sa gumaling ang nararamdaman ng mga ito.
At saka sila anya ibabalik sa Clark City upang tapusin ang 14 na araw na quarantine period.