Tatlong syudad lamang sa 17 syudad ng Metro Manila ang nakakumpleto ng pamamahagi ng social amelioration fund sa mga benepisyaryo.
Kabilang dito ang Caloocan City na mayroong pinakamalaking pay out at Valenzuela City.
Ayon kay DSWD Director Irene Dumlao, Spokesperson ng DSWD, dahil dito ay humihirit pa ng panibagong extension sa pamamahagi ng SAP ang mga LGU’s sa NCR.
Samantala, hinikayat ni Dumlao ang mag LGU’s na nakakumpleto na ng SAP distribution na agad magsumite ng kanilang liquidation report upang maibaba na sa kanila ang pondo para sa second tranche ng SAP.
Despite nga yung pagbibigay natin ng assistance ay kinakailangan pa rin ng additional na panahon para maisagawa o matapos itong pagbibigay ng ayuda,” ani Dumlao. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas