Tinatayang 1.5 billion pesos na halaga ng shabu o mahigit sa 300 kilo ang nasamsam sa magkahiwalay na raid ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Las Piñas at Parañaque City.
Tatlong taiwanese nationals rin na hinihinalang nagpapatakbo ng shabu laboratory ang naaresto sa raid.
Ang dalawa na nakilalang sina Shih-Ming Tsai at Kuo-Chuan Cheng ay naaresto sa isang bahay na ginawang shabu lab sa PhilamLife Village Barangay Pamplona Dos Las Piñas City, samantalang si Chun Ming Lin ay naaresto sa Unit 10 Executive Village Society BF Homes Parañaque City.
Nakuha ng PDEA sa Las Piñas raid ang 50 kilo ng shabu, kahon-kahon ng liquid shabu at iba’t ibang uri ng laboratory equipment, samantalang 15 packs naman ng shabu at 22 balikbayan boxes ng ephedrine powder ang nakuha sa Parañaque raid.
By Len Aguirre