Patuloy pa ring tinutugis pulisya ang 10 sa 13 preso na nakatakas matapos butasan ang dingding ng temporary detection facility ng Caloocan City Police Station.
Ayon kay Caloocan Police Chief Col. Dario Menor, muling nadakip ang pugang si Aldwin Jhoe Espila sa bahagi ng Saback neighborhood, 3:30 ng hapon kahapon.
Habang sa Barangay Tonsuya Malabon na nahuli ang isa pa na si Mark Oliver Gamutia pasado 3:40 ng hapon.
Una namang nadakip muli ang tumakas na presong si Aries Dunacao.
Kaugnay nito, hinimok ni menor ang publiko na tumulong at magbigay ng impormasyon sa mga awtoridad hinggil sa kinaroonan ng mga tumakas na preso.
Samantala, pinag-aaralan na ng Caloocan City Police ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa 2 police officer na nakatalagang magbantay sa 13 detainees nang tumakas ang mga ito.