Patay ang isang 3 taong gulang na batang lalaki matapos siyang tagain sa ulo ng kanilang kapitbahay na may problema umano sa pag-iisip sa Zamboanga Del Sur.
Ayon sa ulat, iniwan ng ama ng biktima ang dalawa niyang anak sa kusina para kumuha lang ng pambili ng kanilang ulam sa kwarto.
Pero, maya-maya pa ay nakarinig na siya ng kalabog at nang kanyang puntahan ang anak ay duguan na ito at nakabulagta.
Ayon pa sa kwento ng ama ng biktima, tatagain pa ng suspek ang isa pa niyang anak pero kaniya itong napigilan at saka kumaripas ng takbo.
Dead on arrival naman sa pagamutan ang biktima.
Naaresto naman ng otoridad ang salarin pero hindi na ito kakasuhan dahil sa kanyang kondisyon sa pag-iisip.—sa panulat ni Rex Espiritu