Nakatanggap ng parangal ang tatlong Pilipinong guro na idinaos sa Southeast Asian Educational Innovation Awards sa Bangkok, Thailand.
Ayon sa Department of Education (DEPED), ang mga guro na sina Rowan Calestra mula sa Sorsogon, Joana Romano mula sa Quezon City at Mary Hazel Ballena mula sa Abra ang kinilala sa Seameo Innotech.
Inilunsad ang proyektong e-nay.com o Education for nanay in the Community na nagsilbing learning facilitators ang mga ina para matulungan ang mga bata sa tahanan.
Mahigit 350 classrooms naman at school innovations ang napiling awardees mula sa anim na bansa sa Southeast Asia.
Samantala, nakatanggap ang tatlong guro ng tropeo at travel grant na nagkakahalagang 3,000 us dollar bawat isa. – sa panulat ni Jenn Patrolla