Tatlong tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa paggamit ng pinagbabawal na gamot.
Ito’y sa isinagawang drug test sa 1k at 65 tauhan ng PNP.
Ayon sa PNP,, isang Senior Police Cadet at 2 contractual employees ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga sa test na pinangunahan ng PNP crime laboratory.
Kasalukuyang iniimbestigahan na ang naturang mga empleyado at mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.