Patay ang 3 terorista kabilang ang dalawang high-value target sa isang operasyong militar sa lalawigan ng Balochistan, Pakistan.
Ayon sa mga militar, isinagawa ang operasyon sa lugar ng Kech sa isang follow-up clearance operation na nauugnay sa kamakailang aktibidad ng mga terorista sa distrito ng Panjgur na ikinasawi ng 3 sundalo at 4 na terorista sa matinding palitan ng putok baril.
Narekober ang mga ginamit na armas at bala mula sa hideout ng mga terorista.
Ang mga napatay na rebelde ay sangkot sa mga aktibidad laban sa mga pwersang militar sa buong Balochistan. —sa panulat ni Kim Gomez