Tatlo (3) pang testigo ang lumutang kaugnay sa pagpaslang sa limang (5) miyembro ng pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan.
Gayunman sinabi ni Senior Supt. Fritz Macariola na biniberipika pa nila ang pahayag ng mga nasabing testigo partikular kung tutugma ito sa pahayag ng naunang testigo.
Naniniwala naman si Macariola na malaki ang maitutulong ng pabuyang alok nina Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado at San Jose del Monte Mayor Arthur Robles para lumutang ang mga testigo.
Ang mga may alias na Tony at Inggo ay itinuturing nang persons of interest sa nasabing kaso.
By Judith Larino
3 testigo pa sa Bulacan massacre lumutang was last modified: July 3rd, 2017 by DWIZ 882