Arestado sa entrapment operation ang tatlong suspek matapos tangayin ang 2.7 million pesos ng isang computer company sa Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Domino Gatchalian Alejandrino, 19-anyos; Julio Miguel Gatchalian Alejandrino, 26-anyos; at Suhalia Benito.
Ayon kay Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Dir. Pol. Brig. Gen. Robert Rodriguez, nakatanggap ang kompanyang Senco Link Technologies ng isang online inquiry mula sa isang Richard Ang, na nakipagtransaksyon sa pagbili ng mga matataas na uri ng gadget sa halagang mahigit 2.6 million pesos.
Ayon kay Emily Pascual, Company Sales Manager ng nabanggit na kumpaniya, nagkasundo sila sa check payment at kukuhanin ang nabili sa Japanese National.
Kinabukasan, natuklasan ng isa sa Department Staff na na-scam ang kanilang kompanya sa pamamagitan ng pag-verify nito sa bangko.
Dito na natuklasan ng kumpaniya na isang Miguel Alejandrino ang nagbebenta umano ng produkto na Macbook Air sa marketplace ng Facebook na kapareho sa serial number na kanilang nabili.
Dahil dito, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba at agad na nadakip ang tatlong suspek na nahaharap sa kaukulang kaso. —sa panulat ni Angelica Doctolero