Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang tatlong drug suspects na tinaguriang high-value targets sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa lungsod ng Quezon.
Unang natimbog ng QCPD Station 1 ang hindi pinangalanang top 10 drug personality sa Barangay San Isidro Labrador kung saan nasabat mula rito ang P13,600 halaga ng hinihinalang shabu.
Sa isa pang operasyon sa Barangay E. Rodriguez sa Cubao, nadakip ng QCPD Station 7 ang number 4 drug personality at narekober mula sa kanya ang P238,000 halaga ng umano’y shabu.
Sa Tandang Sora, nasakote naman ng QCPD Station 3 ang top 9 drug personality at kasama nitong babae kung saan nakuha mula sa kanila ang pinaniniwalaang bawal na droga na may street value na P68,000.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa mga suspek.