Pinapasara ng Commission on Audit o COA ang tatlong tourist establishment na pinatatakbo ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA.
Kinabibilangan ito ng Club Intramuros Golf Course o CIGC, Balicasag Island Dive Resort o BIDR at Gardens of Malasag Eco-Tourism Village.
Ayon sa state auditors, umabot na sa 28.42 milyon ang lugi ng BIDR, CIGC at GMETV.
Batay sa 2017 annual audit report para sa TIEZA, nabatid na nagbibigay ng diskwento at iba pang libreng prebilihyo sa mga nag-gogolf sa CIGC na dahilan ng pagkalugi nito sa nakalipas na mga taon.
Nakitaan naman ng kahinaan sa marketing strategy ang BIDR kaya ito nalulugi rin.
—-