Wagi ang Cebu at 2 pang isla sa Visayas bilang The Best in Asia.
Ito ay batay sa 2020 Reader’s Choice Awards ng Conde Nast Traveler.
Ayon sa luxury and lifestyle travel magazine halos 2 milyong turista taon-taon ang nag e-enjoy sa magandang beach at isla sa Visayas region ng Pilipinas.
Malaki anitong factor para mapasyalan ang Visayan Island ang Spanish at Roman Catholic influences sa Cebu City.
Pasok din sa Best Island sa Asya ang Palawan na nasa number 4 at Siargao na nasa ika-5 puwesto naman.
Nasa top 2 spot ang Sri Lanka at ika-4 ang Ko Pha Ngan ng Thailand sa ikatlong rank.
Itinuturing ding best islands para sa ibang rehiyon ayon sa Conde Nast Traveler’s Survey ang Jersey para sa United Kingdom, St Barths para sa The Carribean and the Atlantic, Tasmania para sa Australia at South Pacific, Bazaruto Archipelago, Mozambique sa Africa at Indian Ocean, Galapagos Island para sa Central at South America at Hilton Head Island para sa North America.
Halos 600K ang nakiisa sa nasabing survey ng naturang travel magazine.