Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tatlong traffic enforcers na hiwalay na nakunan ng litrato ng netizens habang may angkas o back ride.
Ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief Bong Nebrija, maliban sa suspensyon ay tinicketan rin nila ang traffic enforcers dahil sa paglabag sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagbabawal sa angkas sa motorsiklo.
Gayunman, sinabi ni Nebrija na katulad ng iba pang frontliners na napipilitang umangkas para makapasok sa trabaho, ganito rin ang kalagayan ng mga traffic enforcers na kasama rin sa frontliners.
Gayunman, dapat anyang tanggapin na walang exemption sa pagpapatupad ng quarantine guidelines.