Timbog ang tatlong Chinese Nationals sa isinagawang raid ng mga otoridad sa isang bodega sa Mabalacat City sa Pampanga na umanoy nagsu-supply sa makeshift medical facilities na una nang nadiskubre sa lalawigan.
Kinilala ng ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Luzon ang mga inarestong Chinese Nationals na sina Zidong Guo na umanoy nagpapakilalang duktor sa kaniyang Chinese customers, Chen Weiming at Hong Qiao Ling.
Ayon sa NBI isinailalim sa imbentaryo ng mga kinatawan ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga nakumpiskang Chinese medicines, pagkain at cosmestic products na ibinibenta umano sa Chinese customers.
Sinabi ng NBI na ang nasabing warehouse na nasa Clarkhills, Clark Freeport Zone ay supplier ng makeshift hospital na una nang ni raid ng mga otoridad sa barangay anunas sa Angeles City at Fontana Leisure Parks sa Clark.
Naka kumpiska rin ang FDA ng tinatayang P20-M halaga ng Chinese medicines, pagkain at cosmetics products mula sa isang establishment na tinatawag na Super Market Number Nineth na Nasa Clark Freeport Zone din.