Tinatayang 7.4 million pesos na halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa tatlong suspek sa San Mateo, Rizal.
Ayon kay Rizal Provincial Police Director, Col. Dominic Baccay, kabilang sa mga natimbog ang isang lalaking matagal ng nasa target list ng San Mateo Drug Enforcement Unit.
Inilunsad ang buy-bust operation sa isang pribadong sementeryo sa Barangay Gitnang Bayan 2.
Narekober sa mga hindi pa pina-pangalanang suspek ang mahigit isang kilo ng shabu na itinago sa mga tea bag.
Isang taga-pasig ang pinagkukunan ng mga iligal na droga habang ang kanilang amo ay nakokontak sa pamamagitan ng telepono sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.