Patay sa naganap na pagsabog ang tatlong Turkish sa border ng Syria.
Ayon sa Turkish Defense Ministry, isang handmade bomb ang sumabog kung saan, pinaniniwalaang mga miyembro ng teroristang grupo ang responsable sa pagsabog.
Nagkasa na ng multiple operation ang mga otoridad upang malaman ang motibo o dahilan ng insidente.—sa panulat ni Angelica Doctolero