Tatlong (3) Turkish soldiers ang aksidenteng namatay habang labing-isang (11) iba pa ang sugatan sa inilunsad na airstrike ng Russian Air Force sa Al-bab, Syria.
Target ng Russian Forces ang isang gusali na pinamumugran umano ng mga ISIS fighter subalit lingid sa kanilang kaalaman ay pinagkukutaan ng Turkish troops.
Kapwa suportado ng Russia at Turkey ang peace talks sa Syria at kampanya ng Syrian government kontra ISIS at mga rebelde sa gitna ng nagpapatuloy na civil war.
Nagpaabot naman ng pakikiramay at paumanhin si Russian President Vladimir Putin kay Turkish President Recep Erdogan maging sa mga sundalong nasawi sa friendly-fire at inaming hindi nagkaroon ng koodinasyon ang Moscow at Ankara kaya’t humantong sa trahedya ang nasabing operasyon.
Taong 2015 nang aksidente namang pabagsakin ng Turkish Air Force gamit ang kanilang F-16 fighter jets ang isang Russian SU-24 bomber plane sa Syria.
By Drew Nacino