Tatlong (3) miyembro umano ng grupong Ansar Al-Khalifa Philippines ang inaresto ng mga otoridad sa South Cotabato.
Kinilala ang mga suspek na sina Danny Yang, Mario Sueb at Zaidon Nilong, na naaresto sa joint operation ng PNP-regional anti-illegal drugs special operations task group, Special Action Force, regional public safety battalion-12, regional intelligence division at 27th infantry battalion.
Isinagawa ang operasyon sa barangay Labu, sa bayan ng Polomolok kung saan 11 kasamahan umano ng napatay na leader ng AKP na si Mohammad Jaafar Maguid, alyas Tokboy Maguid.
Narekober mula sa tatlo ang isang caliber 45 pistol, isang sachet ng shabu at granada habang si Nilong ang tinutukoy ng mga pulis na sinasabing nagbabalak pumalit sa lider ng AKP.
Nahaharap naman ang mga suspek sa sa kasong paglabag sa firearms law and ammunitions dahil sa mga narekober na iba’t-ibang bala at armas.
By: Drew Nacino