Nakatakdang imbestigahan ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlong alkade mula sa SOCCSKSARGEN na sangkot umano sa transaksyon ng iligal na droga sa naarestong hinihinalang drug lord na si Mayor Aniceto Lopez Jr ng Maasim Sarangani.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino nasa “green book” umano na nakuha sa isinagawang raid sa bahay ni Lopez ang pangalan ng tatlong alkalde kung saan nakasaad ang multi-milyong transaksyon sa El Patron Drug Network na umanoy pinangungunahan ni Lopez.
Sa ngayon umano ay mahigpit na binabantayan ng PDEA ang aktibidad ng tatlong alkalde na susunod na target sa kanilang operasyon kontra droga.