Naaresto ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong no.1 Most Wanted Criminals sa magkakahiwalay na operasyon na bahagi ng “Oplan Pagtugis”.
Kinilala ni CIDG Director Police Brig. Gen. Ronald Lee ang mga naaresto na sina: Jonathan Cotelo Mandap, Top 1 Most Wanted Person sa Pampanga; Mario Baquelta alyas Mario Makosado Baquilta, Top 1 Most Wanted sa Cebu; at Elmo Galus Gumalog, Top 1 Most Wanted sa Pozzurubio, Pangasinan at Top 10 most wanted sa lalawigan.
Ang tatlo ay nasakote sa bisa ng mga magkakahiwalay na Warrant of Arrest para sa mga kasong Rape at Acts of Lasciviousness.
Binati ni Brig. General Lee ang mga operatiba sa matagumpay na pagsisilbi ng Arrest Warrant sa mga wanted na indibidwal. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)