Timbog ang tatlong wanted persons sa magkahiwalay na operasyon sa Makati, Las Piñas at Pateros.
Unang nahuli ng Pateros Police ang construction worker na si Cornelio Olavario dahil sa kasong kriminal.
Sa Makati, nadakip naman ang driver na si Mark Anthony Burce na may kasong paglabag sa anti-carnapping act at may piyansang aabot sa P180K.
Sa Lupi, Camarines Sur naman ay nasakote ng Las Piñas Police ang magsasakang si Mario Rubio na may kasong qualified rape sa isang korte sa naturang lungsod.