Tatlong weather system ang nakakaapekto sa bansa ngayong araw na ito.
Ayon sa PAGASA, apektado ng tail end o buntot ng cold front ang eastern section ng northern Luzon.
Ang northeast monsoon naman o Amihan ang nakakaapekto sa nalalabi pang bahagi ng northern Luzon habang umiiral ang easterlies sa iba pang bahagi ng bansa
Samantala, patuloy na nakakaranas ng maulap na papawirin na may mahinang pag ulan ang Ilocos Region, Batanes at Babuyan Islands dahil sa Amihan.
Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan naman ang nararanasan sa Cordillera Administrative Region at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley dahil sa buntot ng cold front.
Bahagyang maulap na papawirin na may isolated rain showers ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.