Tatlong weather systems kabilang ang isang Shallow Low Pressure Area, Low Pressure Area (LPA) na dating Bagyong Marilyn at isang Tropical Storm ang namataan at binabantayan ngayon ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASa, ang shallow LPA na nasa kanluran ng Zambales ay hindi inaasahang magiging ganap na bagyo.
Namataan naman ang Tropical Storm sa layong 2,565 kilometro, silangan ng hilagang Luzon at hindi inaasahang papasok ng bansa.
Habang ang LPA naman na nasa 1,935 kilometro, hilagang-silangan ng Basco, Batanes ay ang dating Tropical Depression Marilyn at binabantayan pa rin dahil posibleng bumalik ito sa PAR sa loob ng 48-oras.
Samantala, nakararanas naman ng pag-ulan ang ilang lugar sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan bunsod ng hanging habagat.